Friday, September 5, 2008

realided sa buhay ny pinoy (mga taong ayaw ko)

i've realized: (i wanna write the pasosi way)
-wala akong pakelam sa mga tao who talks shit 'bout me (actually isa lang siya and i think from another planet pa, so like medyo me pagka-orc that person and if only brains can be sold, ung sa kanya will be worth a fortune 'coz medyo so bobo nga kaya slightly used) that person is not my friend naman, hindi siya nagpapakain saken like nice food from our house, hindi ko siya pamilya and i dare not dream about that kse naman the hitsura is so like katutubo natives who look so baho kaya, i will not get rich by thinking about the things that person is saying na puro babaw things lang naman from the stinky mouth at wala akong pakelam sa Godforsaken life niya.
lagi nila sinasabi saken "ang baet mo k'se" kse im so baet naman talaga. my friends know that kaya (taena naaduwa ako sa sarili ko w/ this whole pasosi version kaya STOP na)

hindi ako mabait. ayoko lang magalit kse MASAMA AKONG MAGALIT. sobra!
then why on earth do i still have plenty of friends?

it's simple: (try ulit)
-i DON'T meddle with issues of other people wherein im not involved. magiging pampagulo lang ako lalo na pag di ko naman alam buong kwento.

pasosi version: i don't like to make pakelam with all the brouhaha of other people. kse naman im not like included in the cast di ba?so why would i meddle eh i dont know anything about it naman

-i DON'T talk shit about other people who are my friends and people that i know (except pf course if I don't like you.hahaha) mahirap atang plastikin ka ng friend mo kaya ayokong gawin saken yun

pasosi version: i don't like to make sabi bad things about other people kaya. kse naman why would i do that to my friends and people i know and layo naman my look with cristy fermin or lolit solis,ha. pero i have exceptions rin naman and i think it is our right lang to say bad things if we don't like somebody pero it's fair lang if they did something bad to us not yung innocent people who we see lang sa tabi-tabi.and i don't like my friends to make sabi shit and stuff about me behind my back di ba?so i don't do it rin noh

-i DON'T make a big deal of issues if it is just a trivial matter. why on earth should i consider it a thought?

pasosi version: i don't make palaki issues that are so babaw naman. and dapat we people don't think about it na rin k'se nga it's babaw lang so why should we make isip about it pa?para lang yun sa mga taong naka-10 red horse na and tambay sa every corner ng city.

-i am NOT shallow. the world is so small that everybody CAN be your friend. and people should know that. if i hate somebody, it doesn't mean i have to hate their friends as well and it shouldn't stop us from being friends (this goes for trivial matters lang naman). it goes the other way around. if my friend becomes the friend of my enemy, it shouldn't be an issue and i wouldn't feel betrayed about that.

pasosi version: i am not MABABAW especially pag bagay like sa mga people na nakapaligid sayo kse naman the world is small and round kaya and we should all be friends na lang so let's not make away the friend of our kaaway except if they make away with us di ba.saka if our friend makes kaibigan somebody we don't like let's not make pakelam na lang kse the world is small nga lang and it is so hirap if we have so many kaaway di ba and it doesn't mean that out friend made us traydor na

-i was NEVER a plastic.my friends know that. if i don't like you, i wouldn't bother with your life. i don't have time for charades or friendly facade when im with somebody i don't like. i have lots of friends i should pay attention too, so, why bother?it is better that you know that i DON'T like you or i have grudges against you instead of saying "hi" and being amiga/amigo with you when all i wanna do is get a durian and shove it up your ass. i'd rather do that

pasosi version: i am not an orocan or tupperware na super kapal the face na kahit like na sabunutan o strangle the other person they can smile pa din and make beso kse i have so many friends out there so i don't have time for those people

sabi nga sa McDo "the more we get together, the happier we'll be. 'coz your friends are my friends and my friends are your friends..."

AYOKO NA. DI KO TALAGA KAYA.hahahahaha

i know some people who are close friends of somebody i had problems with before and that FACT didn't affect anything between us.

that's the problem with some people. i dunno what planet they're from but they are too shallow their brains are stuck under their feet.

so it has been trampled with so much that they cannot think clearly.
good thing i am not SHALLOW and dimwitted.

I AM KIND TO ANIMALS

it is such a great virtue. and that's what we should all do

let's ignore all the ASSES and BITCHES out there (especially those who talk behind our backs). let's be kind to them.

Tuesday, August 26, 2008

realidad sa likod ng pag-ibig (ANG NAKARAAN---BOW)

ayan na...may mga nangungulit sa akin na magblog daw ako ng kung ano-ano. ay hindi pala kung ano-ano lang. kalimitan tungkol sa buhay pag-ibig. ako naman ay natatawa dahil para akong si Joe 'D Mango at ang pinaka-nakakatawa pa talaga ay wala akong buhay pag-ibig. aking inuulit WALA AKONG BUHAY PAG-IBIG. marami akong kinatutuwaan pero sa ngayon wala akong seryosong relasyon...(pilingera)

tapos eto na...eto na! ang mahiwagang tanong...BAKIT LAGING ISINASAMA ANG NAKARAAN SA KASALUKUYANG RELASYON?

hindi ko alam ang sagot diyan.-----.> as usual... pero sasabihin ko ang aking mga obserbasyon.

nagiging moderno na ang ating panahon ngunit mayroon pa rin naman mga taong pilit gustong maging 'Historian' sa hindi malamang dahilan. sa totoo lang hindi na naman importante ang nakaraan.

Siguro hindi naman parepareho sa iba't-ibang lugar pero dahil kung saan saan na ako nakarating at marami rin naman akong naging kaibigan sa iba't-ibang parte ng Pinas, eto ay hango sa aking obserbasyon at ako ay maakusahan din sa pagkakasalang ito.

Kalimitan ko ng narining ang mga salitang "eh nung highschool kami ang jologs kaya niya", "hay naku, hindi nga yan pinapansin dati", "eh di ba ang dami na niya naging boyfriend???!!!!" blah blah blah...at kung ano ano pa.

Guilty as charged ----isa ako dun.

PERO ngayon, hindi ko na nababanggit ang mga salitang 'yan. oo, hindi ako ganun kabait pero marami lang akong natutunan sa buhay at isa na nga dito ay ---> hindi importante ang nakaraan.

NAKARAAN. PAST. TAPOS NA.

ang nangyari nung isang taon ay NAKARAAN na.
ang nangyari nung isang buwan ay NAKARAAN na.
ang nangyari nung isang linggo ay NAKARAAN na.
ang nangyari nung isang araw ay NAKARAAN na.
ang nangyari mga isang oras ang nakalilipas ay NAKARAAN na.
ang nangyari habang isinusulat ko 'yung nasa taas ay NAKARAAN na.

NAKARAAN. hindi na maibabalik ngunit maaring baguhin.

"the only constant thing in this world is CHANGE"

at dahil ito ay isang bagay na napatunayan na, bakit nahihirapan tayong mga tao na tanggapin ang pagbabago AT tangapin ang mga bagay na nagbago na. bakit pilit nating ibinabalik ang NAKARAAN?

lahat ng tao bata, matanda, may ngipin o wala, mataba, payat me buhok o kalbo may karapatang magbago (uy nag-rhyme ah!hehehe).

----------0----------0----------0----------0----------0----------
chewiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

tantananantanan!

at eto na po, ipapasok ko na ang tungkol sa relasyon nito sa buhay pag-ibig.

mga linyang narinig ko at 'yung iba nasabi ko din:
"buti natanggap niya 'yun, nakakahiya kaya 'yun"
"ay naku, ang landi landi kaya niya,as in!hindi nga ako makapaniwala na seseryosohin niya 'yun eh!"
"napakababaero kaya niyan!mag-ingat ka!lolokohin ka lang niyan!"

at kung ano ano pa...

pero maging realistiko tayo, hindi lahat ng tao nagbabago ng ganun ganun na lang.

nagbabago sila sa sarili nilang paraan AT dapat binibigyan natin sila ng pagkakataon.
nagbabago rin sila dahil sa isang matinding dahilan at 'yun ay ----> PAG-IBIG

halos lahat ng pagbabago ay dahilan sa pag-ibig. ang mga pulitiko bakit sila kumakandidato (bukod sa malakas ang kita pag pulitiko ka)? dahil MAHAL nila ang kanilang BAYAN at gusto nila itong baguhin para sa mas ikabubuti nito. bakit ba ang mga artista kung ano-ano ang ipinapabago sa mukha, sumasabak sa kung ano-anong pagsasanay? dahil MAHAL nila ang trabaho nila at ayaw nilang mawala sila sa industriya. bakit ba nagbabago ang mga adik?dahil nahanap nila ang kanilang 'TL' at dahilan na rin sa pagmamahal at suporta ng kanilang mga magulang. bakit ba ang batang hindi magaling sa eskuwelahan ay tumatalino? dahil sa pagmamahal at suporta ng magulang o kaya dahil sila ay may inspirasyon na at binibigyan sila ng kalayaan at PAGKAKATAON para magbago (hanggang dito na lamang ang aking mga halimbawa dahil kung ano2 na ang naiisip ko at wala na ngang kabuluhan).

PAGKAKATAON.

maramot tayong mga tao dito. at wala akong sagot kung bakit tayo maramot pagdating sa bagay na 'yan eh lahat naman tayo nagkakamali...labo 'di ba?

hindi ko alam bakit ang mga tao, pilit ibinabalik ang nakalipas.

ang dapat nating matutunan ay TANGGAPIN ang nakaraan ng isang tao. tapos aasa tayo na mabigyan ng pagkakataon para baguhin ang ating sarili eh tayo nga masyadong mapanghusga pagdating sa bagay na ito. (akala mo napakabait ko noh?)

una natin dapat tanggapin na eto ang REALIDAD. at makikita mo ang mundo sa ibang paraan. sa ibang pananaw.

masarap magmahal pero hindi natin maiaalis ang katotohanan na dumarating ang panahon na tayo ay nasasaktan.

at kung minsan ang mga bagay na pilit na nakakasakit sa atin at sumasagi sa ating isipan ay ang nakaraan.

wala akong maituturong dahilan bakit ganito ang nararamdaman nating mga tao, pero ang masasabi ko lang, ituon natin ang ating pansin sa pagmamahal na ibinibigay ng taong ito sa atin ngayon. sa araw na ito. sa oras o minutong ito. dahil tapos na ang kahapon at hindi pa dumadating ang bukas.

pero ang garantiya ko, MASAKIT lang ito kapag naririnig natin sa ibang tao at alam ko na pagkalipas ng isa, dalawang araw, nakakalimutan na natin ito.

kaya ang dapat nating gawin, huwag na tayong magpumilit na mag-ungkat ng nakaraan (inuulit ko, sana naging Historian ka na lang!pwede ka pa magshift ng course o magpalit ng trabaho) dahil TAYO din lang naman ang nasasaktan. tsk tsk.

HALIMBAWA:
ang iyong jowa ay babaero (parang basketball player na nagpapalit ng damit, hit and run, walang pinapalampas) o kaya malandi o kung ano man pwedeng itawag na hindi ko pwedeng banggitin sa blog na ito (siya ay tipong collect and collect and collect).

siyempre kung ano-ano ang maririnig mo at kung minsan kahit kung 'sang lupalop ng Pilipinas siya naggaling eh lalabas at lalabas din ang kanyang nakaraan.

masaya na kayo ng jowa mo. kung babae ka, marami kang maririnig na tsismis at tunay na kwento pero nakalipas na. inuulit ko NAKARAAN na.

ouch!
SAKIT!

dahil iniisip natin, BAKA mangyari din sa atin ang nangyari sa kanila. BAKA masaktan din tayo sa huli. BAKA, BAKA, BAKA...'yun ang punto. BAKA lang. aba'y kung ganyan din lang, makipaghiwalay ka na sa jowa mo! nakakaumay ang BAKA! (pwedeng manok naman?bwahahaha.corny ko)

kapag me pagmamahal, mayroong sakit. ganun talaga ang buhay. pero ang masasabi ko lamang, sige lang. magmahal ka lang. to the highest level! walang masama dun. basta't sumusunod ka sa 10commandments go lang! jusmiyo, ano ba 'yung mga sabi-sabing 'yan? hindi naman tayo bubuhayin niyan! hindi rin tayo kikita ng pera kapag nakinig tayo diyan.

hindi ko sinasabing magpakatanga tayo. ang sa akin lang, kung mahal mo ang isang tao bakit ka bibitaw dahil lamang sa mga bagay na nakaraan na?

bilib din ako sa ibang lalaki na kilala ko. nung una, sinasabihan ko sila na"pili-pili" naman. pero sa huli naisip ko, ay tinamaan ito ni kupido. sure na. dahil kahit ano pa ang marinig nila tungkol sa jowa nila, kahit pinagtatawanan na sila ng mga kaibigan nila, WALA silang pakialam. at dahil sa kanilang walang humpay na pagmamahal nila sa jowa nila, ang kanilang jowa ay NAGBABAGO.

kapag may tiyaga, may nilaga.

hindi ko alam paano tatapusin ang blog na ito ngunit ang masasabi ko lang na natutunan ko sa buhay na ito:

-huwag mong jowain ang isang tao kung hindi mo kayang tanggapin ang kanyang nakaraan lalo na at ipinapakita naman niya na mahal ka niya talaga.

-lahat ng tao nagkakamali kahit ikaw kaya dapat huwag tayong maging mapanghusga (minsanan lang.chill lang)

-matutong magbigay ng pagkakataon sa mga taong nagkakamali at makikita mo, mababawasan ang mga pagkakamali mo sa buhay at kapag nagkamali ka, madali ka rin mapapatawad ng mga taong nakapaligid sa iyo.

-lahat tayo ay may karapatang magbago. hindi natin alam kung anong mangyayari bukas o mamaya kaya kung mayroon tayong gustong baguhin, simulan na natin NGAYON pa lang. huwag ng ipagpabukas (baka mamaya may magawa kang mali na naman eh di bukas magpapatong-patong kelangan mo baguhin magiging hectic ang schedule mo)

-kung mahal natin ang ating jowa, huwag, inuulit ko HUWAG ng ibalik ang nakaraan (mayroon kang mga kaibigan na nagmamahal sa'yo kung gusto mo sa kanila ka maglitanya ng nakaraan ng jowa mo at mailabas lahat ng sama ng loob mo dahil ang mga kaibigan ay handa namang makinig sa'yo. hindi ka pa makakasakit sa jowa mo at hindi maaapektuhan ang kanyang pagbabagong buhay)

-kung mayroong nagawang kasalanan ang jowa mo, matutong magpatawad. (mahirap,tama ka diyan, masakit, at tama ka na naman, naranasan ko na lahat ng 'yan.pero kung hindi mo naman kayang iwan ang jowa mo, huwag ng gawing isang full-blown quarrel tama na 'yung magbigay kayo ng espasyo sa isa't-isa. dahil magkakasakitan lang kayo sa mga salita. gawin ang todong pag-aaway kung kaya mo ng makipag-BREAK!)

-iba ang noon sa ngayon. spelling pa lang iba na. maging confident tayo sa ating sarili. tayo ay iba sa kanila. at MALABONG mangyari 'yung nangyari noon sa ngayon

wala na akong maisip dahil gutom na ako. pero siguro naman gets niyo ang punto ko hindi ba?

eto pa pala, kung may nagawang kasalanan ang jowa niyo, mas mabuti pang kausapin niyo ang aso niyo o kaya ang bigay niyang stuffed toy (kung babae ka) o tshirt (kung lalaki ka) dahil kapag alam mo namang pinag-iinitan na siya ng mga kaibigan mo, at hindi mo naman siya kayang iwan, mas mabuting hindi na nila malaman 'yun. kung hindi mo matiis at gusto mo ikwento sa kaibigan mo, unahan mo na sila na "hindi ko kayang iwan ang jowa ko pero pu"%*g i@# niya! taran#*$o siya or gaga siya *insert your worries or woes here*".

bakit sinasabi ko 'yan?hindi para magpakatanga tayo pero para maging REALISTIKO tayo. ke lalaki o babae, parepareho lang 'yan sa relasyon. maraming problema. babae o lalaki nagkakasala, nagkakamali. eh totoo naman, alangan sabihin ko na kapag nagkamali jowa mo makipag-break ka na eh mahal mo pa at hindi mo kaya, kaya solusyon ang binibigay ko.

dahil kapag ayaw na sa iyo ng tao, hihiwalayan ka na. hindi ka na susuyuin.

at darating din ang panahon na maiisip mo na panahon na para bumitaw. hindi 'yung mag-iisip ka pa kung dapat na ba at mayroon pa kayong inuman session ng mga kaibigan mo para pagmunimunihan ang lahat (kung ganito rin lang ay hindi ka pa dapat makipaghiwalay. ba't kailangan pag pagmunimunihan kung talagang ayaw mo na.haller!) dahil ang pakikipaghiwalay dahil sa ganitong paraan ay nauuwi sa pagsisisi.

pare1: pare, hindi ko na alam gagawin ko sa syota ko. ang labo niya. blah blah blah...
pare2: naku pare, makipaghiwalay ka na. ang dami pa diyan.
pare3:oo nga, me papakilala ako sa'yo.
pare1: oo nga pare.takte talagang buhay 'to. bahala na siya. sa tingin niyo?
pare2: yaan mo na pare.inom na lang tayo
(hindi ko alam kung ano2 nangyayari sa usapan ng mga lalaki o babae kaya in general lang 'yan)

pare1 titingnan ang cellphone kung nagtxt si jowa.
pag-uwe sa bahay hindi mapakali kahit lasing na lasing na naiisip pa rin si jowa.
ending: kung girl, mauuwi ang inuman sa pagsundo sa kanya ng jowa at kung boy, mauuwi kinabukasan sa pagbili ng flowers para sa jowa tapos bati-bati na silang lahat. PARANG TANGA!hahahaha.pero ayos lang, dahil sa ganito kumikita ang san mig at red horse at matador!)

"kung nagmamahal ka, ibigay mo ang lahat para wala kang pagsisihan. kung may mahal ka, importante ang nangyayari ngayon, sa segundong ito. magmahal na parang wala ng bukas, magmahal na parang walang nangyari kahapon, magmahal na walang itinatago, may kalayaan at pagpapatawad. kahit ano pa ang nakaraan ng isang tao, lahat ng iyon ay nangyari upang dumating sa puntong magkakilala kayo. magkatuluyan man o mauwi sa hiwalayan, ang importante nagmahal ka dahil ang pagmamahal ang pinakamahalagang binigay ng Diyos sa atin at pagmamahal din ang nagdala sa atin sa mundong ito"

(comments are greatly appreciated)

----------0----------0----------0----------0----------0----------

BONGBONG BALITA: SUBTITLE ME!



Thursday, August 21, 2008

ang gasolina ay parang seesaw lamang

akala ko Pilipinas lang ang mayroong problema sa gasolina. hindi pala.

hindi ko rin alam bakit ang dami-daming pinoy ang nagrereklamo sa mataas na presyo ng petrolyo pero problema din naman ito sa ibang bansa. ganun din ang presyo kaya kung iniisip ng iba na hindi makatarungan ang presyo ng gasolina, nagkakamali sila.

bakit ba nakatuon sa presyo ng gasolina ang problema?

dahil dito nag-uugat ang lahat ng pagtaas ng mga bilihin at 'di pagtaas ng sweldo.

lagi kong sinasabi "ang problema hindi pinoproblema 'yan. problema na nga proproblemahin pa?"

kasi naman, bakit hindi na lamang hanapan ng solusyon? kung tutuusin, napakalaki ng kamurahan ng pamasahe sa Pinas kesa ibang bansa. mayroong jeep, mayroong tricycle, mayroong pedicab at mayroon naman tayong paa para maglakad na lamang kapag kakaunti ang distansya.

kung talagang problema ang presyo ng gasolina bakit traffic pa rin at marami pa rin ang mga taong gumagamit ng sarili nila sasakyan?(parang ako)

wala pa akong sagot sa mga tanong na 'yan pero ang naisip ko lamang, parepareho rin lamang ang lahat ng tao na namromroblema sa pagtaas ng produktong petrolyo. at mahirap hanapan ito ng solusyon ng ating gobyerno sa dami ba naman ng problema ng bansa natin.

mag-iisip pa ako ng magandang solusyon pero 'wag muna ngayon. dahil hindi gumagana ang utak ko.


----------0----------0---------0----------0----------0----------

walang koneksyon ito sa pahayag ko kanina.

naiinggit ako dahil napanood ko ang kumbagay 'SONA' sa atin dito sa SG.

nabanggit ang tungkol sa "fertility rate"

at hindi lang basta 'yon, nasabi din ang tungkol sa "baby bonus"

kakaiba nga rin naman ano?isipin na lang natin na sa atin, tinuturuan ng family planning ang mga tao ngunit dito sa SG, hinihikayat na mag-anak ang mga tao.

sa kadahilanang marami ang hindi nagkaka-anak o kaya iisa lamang ang anak. dahil ayaw nila.

itinuturing na isang malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak. makakahadlang sa trabaho at malaking gastos para sa kanila kaya maraming proyekto ang gobyerno para hindi mahirapan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak ang mga tao.

nitong mga nakaraang buwan, hindi na sumasagi sa isip ko ang pagkakaroon ng pamilya. mahirap.

mabuti na ang may anak kesa may asawa - sabi ng isa kong kakilala

naisip ko na tama siya. at sa panahon ngayon, iba na ang pananaw ko at ng karamihang tao kung ano ba talaga ang pamilya. hindi na ito ang kalimitang sinasabi nating tatay, nanay, kuya, ate, si bunso, lola, lolo, tiyo, tiya, at kung sino pa.

maraming tao ngayon ang magkasama sa bahay na magpinsan. ang isa ay may anak sa pagka-dalaga, ang isa ay hindi magka-asawa. o kaya magkakaibigan na magkakasama sa bahay. o isang ama at kanyang anak kasama ang kanyang kapatid.

akala ko kuntento na ako na hindi magkaroon ng asawa at anak. sinasabi ko pa sa nanay ko na ayaw pa akong pag-asawahin ngunit gusto rin akong magkapamilya pagdating ng panahon na masaya na akong magkaroon ng condo unit at isang aso. tama na 'yun.

pero ng mapanood ko ang mga pahayag ng Punong Ministro, naisip ko na bakit ayaw nilang magkaanak?ang sarap yata ng meron kang kagigiliwang bata, at naisip ko, masarap din ang magkapamilya kung mayroong disiplina.

siguro nakatatak na lamang sa isipan natin na kailangan mayroong pamilya. may asawa at anak. kaya kahit papaano, meron pa rin namang pagnanais sa aking sarili na magkaroon ng pamilya. pero ang realidad: hindi ang konkretong aspeto ng pagkakaroon ng pamilya ang importante.

hindi naman sinabi ng Diyos na mag-asawa, kailangan mayroong nanay at tatay at kung sino-sino pa.

ipinanganak tayo na mayroong pamilya kaya't hindi tayo mawawalan. sa tingin ko, parte lamang ito ng pag-iisip ng tao na itinanim sa atin nung bata pa na dapat mayroon tayong sariling pamilya. gumawa ng sariling tahanan.

DAHIL takot tayong tumandang mag-isa na sa katotohanan ay hindi naman talaga mangyayari. siguro kung masama ang ugali natin tatanda tayong mag-isa pero kung hindi naman, mayroon naman tayong mga kamag-anak at kaibigang tutulong sa atin.

sabi nila "friends are family we choose for ourselves"

tama nga naman.

hindi ko alam kung ano ba ang nararapat nating gawin sa buhay natin. kung dapat may pamilya ba o wala. pero ang realidad ngayon, ang pamilya ay hindi na ang tatay, nanay, kuya, ate at kung sino pa. ang pamilya mo ay ang mga taong mahal mo sa buhay, mga nakakasalamuha mo. sila rin ay ang mga taong tinutulungan natin at tumutulong sa atin. hindi tayo dapat matakot sa pagtanda dahil kaya naman natin itong paghandaan.

ang dapat natin ikatakot ay ang mawalan tayo ng kakayahang magmahal hindi ang mawalan ng taong magmamahal sa atin.

(comments are greatly appreciated)

-----------0----------------0-----------------0-----------------0------------0--------------

naiisp ko lamang ilagay ang mga ito para mayroon naman kayong mapanood sa blog ko. enjoy! galing ito kay BONG FERNANDEZ. kaibigan ko simula kinder pa ako.


BONG BONG BALITA: Motorbike Signage



Wednesday, August 20, 2008

ang reyalidad sa likod ng PAG-IBIG (cellphone)

ilang beses na nga ba tayong umibig?
isa, dalawa, tatlo...

ilang beses na tayong nasaktan?
apat, lima, anim...

ilang beses na nating sinabing hindi na tayo magmamahal?
pito,walo,siyam...

bakit ba pagdating sa usapang ito nagiging TANGA ang isang tao?

TAMA. TANGA. at sigurado akong isa ka rin sa naging tanga dahil sa pag-ibig.

BULAG.
PIPI.
BINGI.

sa dalawampu't limang taon ko na sa mundong ito, maari ko ng sabihin na marami na akong natutunan sa buhay. uunahin ko na ang buhay pag-ibig. hindi man ako ang eksperto, alam ko kung ano ang REYALIDAD sa aspetong ito.

mayroong isang tao na nagsabi sa akin "basta LOVE mo ang isang tao, dapat wala ka ng pinoproblema"

sana nakinig ako sa kanya.

nararapat na yun nga lamang ang iniisip natin. bakit?

pag mayroong pagmamahal, mayroong, tiwala.

TIWALA.

ang daling sabihin pero mahirap gawin. iisa-isahin ko ang mga pagkakamali ng mga tao tungkol sa salitang ito.

nung panahon na nag-OJT ako sa Maynila, isa sa mga HR Executive dun si *Mam Kitty. Meron na siyang boyfriend at 3 taon na sila. eto ang isa sa mga sinabi niya sa akin na naisip ko na importante ngayon.

"I don't check his phone. it is so pathetic. i am more than that. if he cheats on me, that's his problem not mine"

TAMA siya.

bakit nga ba nauso ang pagchecheck ng cellphone sa buhay ng mag-jowa?ang cellphone ay isang bagay na pribado. ni hindi nga natin ito ipinapakita sa magulang natin na bumuhay sa atin pagkatapos gusto natin tingnan ang cellphone ng iba o kaya hinahayaan natin ang ibang tao na tingnan ang cellphone natin. at hindi rin dapat ginagamit ang cellphone na para tayong nurse na nagbabantay sa pasyente. ang ating mga jowa ay wala naman sigurong sakit araw araw.

mga bagay na naisip ko na nagpapatungkol sa cellphone na kalimitang dahilang ng pag-aaway:

1. hindi tayo dapat nagchecheck ng cellphone ng ating mga jowa. unang-una, hindi tayo ang bumili ng cellphone nila at kahit regalo pa natin ito sa kanila, pag-aari nila 'yun kaya wala tayong karapatan na tingnan 'yun. at hindi rin natin dapat hinahayaan ang jowa natin na tingnan ang ating cellphone. sana nag-NBI ka na lang.(o kaya siya sabihin mo)

2. hindi natin dapat chinechek oras-oras ang ating jowa kung nasaan na sila, anong ginagawa nila, sinong kasama nila, etc. hindi tayo nurse. at hindi rin tayo doctor para gawin 'yun at hindi rin natin pasyente ang jowa natin.

napagdaanan ko na 'yan at masasabi kong mali. bakit ba tayong mga tao kating-kati na mahanapan ng butas ang jowa natin eh hindi naman natin sila kayang iwanan?naghahanap lang tayo ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin natin. ano ba ang tamang gawin?

bakit ba kailangan tingnan ang cellphone ng jowa natin at pag mayroon tayong hindi nadiskubreng maganda mag-aaway, magpapasuyo, magbabati ngunit nagkakaroon na ng lamat ang relasyon.

MALI.

bakit ba hindi na lang natin sila hayaan?tinitingnan natin ang cellphone dahil pakiramdam natin niloloko tayo?at gusto natin ng pruweba?pagkatapos ano?WALA.

dahil hindi naman natin sila kayang IWANAN. HINDI NATIN KAYA.

kaya para saan pa?ang sarap sarap ng pakiramdam na hindi kayo nagaaway sa mga NAPAKABABAW na bagay. magaan sa loob 'yung hindi ka nag-iisip.

TIWALA lang.

at saka, pag hindi tinitingnan ang cellphone niya, hindi rin niya maaring tingnan ang cellphone natin.

sa opinyon ko lang, hindi pruweba ng pagmamahal o tiwala ang pagtingin sa cellphone. mabuti na 'yung kahit papaano mayroon pa rin namang privacy ang buhay natin.

AT huwag na rin natin itong tingnan ng patago. konsensiya na lamang ng taong iyon kung mayroon silang ginagawang kababalaghan. at para sa atin, nasa sa atin na rin naman kung mayroon rin ba tayong mga bagay na dapat itago na maari lang pagmulan ng away at magiging dahilan para magkalamat ang relasyon.

nararapat lamang itong gawin KUNG:
KAYA NATIN SILANG IWAN.

kung hindi naman, huwag na tayong maghanap ng bagay na ikakasama lamang ng loob natin. dahilan upang ang mga kaibigan natin ay mainis sa ating jowa.

"ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa cellphone. hindi basehan ng pagtitiwala at pagmamahal ang ating kalayaan na tingnan ang cellphone ng ating jowa dahil ang pagmamahal ay hindi nasusukat at hindi dapat gawan ng sukatan"

*hindi niya tunay na pangalan

(comments are greatly appreciated)